Popular na Debosyon sa mga Kapatagang Kalinangan sa Kaisipan ni Leonardo N. Mercado: Isang Eksposisyon sa Diwa ng Araling Kapantasan
DOI:
https://doi.org/10.58780/rsurj.v8i1.226Keywords:
Araling Kapantasan, eksposisyon, Leonardo Mercado, popular na debosyon, Teolohiyang PilipinoAbstract
Araling Kapantasan -- ito ang pangalang itinaguri sa isang akademikong proyektong pinasimulan upang bigyang-puwang ang pagpapahalaga sa mga Pilipinong pantas. Naglalayon itong palaguin ang umiiral na mga literatura sa wikang Filipino na nagsasagawa ng ekspositoryong pananaliksik o pagsusuri sa kaisipan ng mga Pilipinong pantas, na matatagpuan sa korpus ng kanilang mga akda. Ang pagsusulong nito ang dahilan ng pag-atupag ng may-akda sa kaisipan ng ilang historyador gaya nina Zeus Salazar at Atoy Navarro, gayundin ng teologong si Karl Gaspar. Sa pagkakataong ito ay isasagawa ang eksposisyon sa kaisipan ng isa pang Pilipinong pantas, ang teologo-pilosoper na si Leonardo N. Mercado. Sa mga nakaraang taon, marami nang nagsisulputang limbag na eksposisyon ukol kay Mercado. Bagaman mahalaga ang mga naunang pag-aaral, lahat ay nakatuon sa mga ambag ni Mercado sa Pilosopiyang Pilipino. Wala pang naglilimbag ukol sa mga kaisipan niya sa Teolohiyang Pilipino. Bilang pag-aambag sa puwang na ito, pagtutuunan ng pansin ang isang paksa sa loob ng kapantasang teolohikal ni Mercado: popular na debosyon. Matapos ang paglalatag ng ilang impormasyon ukol sa buhay ni Mercado, na mahalaga sa pag-unawa sa kanyang teolohiya, isasagawa ang sistematisasyon sa kaisipan ni Mercado ukol sa popular na debosyon sa pamamagitan ng tekstuwal na pagbaybay sa 19 aklat niya (mula sa kabuuang 32 aklat). Yamang nakatuon ang kontribusyon ni Mercado sa popular na debosyon sa mga kapatagang kalinangan, hindi rito kasama ang relihiyosidad ng ibang katutubong kalinangang Pilipino tulad ng mga nasa Cordillera, Palawan, at ilang Lumad sa Mindanao.
References
Alatas, S. F. (2006). Alternative discourses in Asian social science: Responses to Eurocentrism. Sage Publications.
Batoon, E. D. (2014a). Tracing Mercado's anthropological perspective (first of two parts). Kritike, 8(1), 1–23.
Batoon, E. D. (2014b). Tracing Mercado's anthropological perspective (second of two parts). Kritike, 8(2), 1–18.
Batoon, E. D. (2020). A tribute to Leonardo N. Mercado, SVD: His legacy to the Filipino nation. Kritike, 14(2), 1–5. https://www.kritike.org/journal/issue_27/batoon_december2020.pdf
Bevans, S. B. (2002). Models of contextual theology. Logos Publications.
De Leon, E. C. (2018). Leonardo N. Mercado (1935– ): Eksplorasyon sa mga sangkap ng Pilosopiyang Filipino lampas sa tradisyonal na uri ng pamimilosopiya sa Pilipinas. Malay, 30(2), 58–80.
De Leon, E. C. (2019). Mga Tomasino sa Pilosopiyang Pilipino: Ang intelektuwal na pamana ng mga pangunahing Tomasinong pilosoper sa kasaysayan ng pamimilosopiyang Filipino. Komisyon sa Wikang Filipino.
De Leon, E. C., & Mejaro, M. E. S. (2016). An interview with Leonardo Nieva Mercado, SVD. Kritike, 10(2), 1–20.
De Mesa, J. M. (2004). Mga aral sa daan: Dulog at paraang kultural sa Kristolohiya. De La Salle University Press.
De Mesa, J. M. (2017). Kapag ganda ang pag-uusapan: Mungkahi para sa dulog at paraan ng Mabathalang pag-aaral. In J. M. de Mesa, E. P. Padilla, L. L. Lanaria, R. C. Cacho, Y. D. Cipriano, G. N. Capaque, & T. D. Gener, Ang maganda sa teolohiya. Claretian Publications.
Donovan, V. J. (1982). Christianity rediscovered. Orbis Books.
England, J. C., Kuttianimattathil, J., Prior, J. M., Quintos, L. A., Kwang-sun, D. S., & Wickeri, J. (2003). Asian Christian theologies: A research guide to authors, movements, sources. ISPCK, Claretian Publishers, & Orbis Books.
Gripaldo, R. (2000). Filipino philosophy: A critical bibliography (1774–1997). De La Salle University Press.
Guillermo, R. (2016). Sariling atin: Ang nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino. Social Science Diliman, 12(1), 29–47.
Hood, R. (1994). Begrimed and Black: Christian traditions on Blacks and Blackness. Fortress Press.
Mancenido, M. A. V. (2010). Filipino philosophy according to Mercado and Timbreza: A re-evaluation. Dalumat, 1(1), 80–95.
Mercado, L. N. (1974). Elements of Filipino philosophy. Divine Word Publications.
Mercado, L. N. (1975). Elements of Filipino theology. Divine Word Publications.
Mercado, L. N. (1977). Filipino religious psychology. Divine Word University Publications.
Mercado, L. N. (1982). Christ in the Philippines. Divine Word University Publications.
Mercado, L. N. (1992). Inculturation and Filipino theology. Divine Word Publications.
Mercado, L. N. (1997). Doing Filipino theology. Divine Word Publications.
Mercado, L. N. (2000a). Filipino popular devotions: The interior dialogue between traditional religion & Christianity. Logos Publications.
Mercado, L. N. (2000b). From pagans to partners: The change in Catholic attitudes towards traditional religion. Logos Publications.
Raterta, F. K., Paña, J. P., Quebec, J. C., & Fernandez, G. C., Jr. (2019). Filipino language and Filipino philosophy from the perspective of four professors from the South: Interviews with Leonardo Mercado, Ryan Maboloc, Ruby Suazo, and Jeffry Ocay. SABTON: Multidisciplinary Research Journal, 1(1), 1–13.
Santos, M. J. P. (2023, June 28). Araling Kapantasan. Kultura Lektura Series of Research Institute for Culture and Language, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.
Tesoro, D. R. M., & Jose, J. A. (2004). The rise of Filipino theology. Daughters of St. Paul.
Downloads
Published
How to Cite
Issue
Section
License
Copyright (c) 2026 Romblon State University Research Journal

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.